“Kung may bulag man sa atin, ikaw ‘yun. Hindi mo kaso nakita lahat.”

“Si Ainah kasi, sinayang eh.”

Dalawang beses ngayong araw. Dalawang beses na hindi napahalagahan ng mga tao yung desisyon na ginawa ko. Desisyong isa sa pinaka mahirap na binitawan ko para maging maayos ang lahat hangga’t maaga. Desisyong alam kong tama ako kahit na alam king hindi maiintindihan ng mga tao hangga’t hindi pa dumadating ang tamang panahon. At desisyong hanggang ngayo’y patuloy na nakapananakit ng damdamin ng isang tao.

Alam ko kung gaano niya ako pinahalagahan, inalagaan at minahal. Sa totoo lang sa mga relasyong naranasan ko at napagdaanan, pangalawa siya sa pinakaminahal ko. Pangalawa siya na pinagbigyan ko ng buong tiwala at minahal. Ngunit ngayon, nagsisisi akong binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong binigyan ng halaga ang isang taong hindi naunawaan ang sakripisyong ibinigay ko para sa ikabubuti niya.

Mahirap sa mga tao sa panahon ngayo’y iyong mga negatibong parte lamang ang pinahahalagahan, inuunawa at itinatatak sa pag-iisip. Wala man akong magagawa para diyan, ang alam ko lang, tama ang ginawa ko at kahit kailanma’y di ako magsisisi.

marcelosantosiii:

Hindi porket hindi ka lumalaban ay duwag kana. Ipinapakita mo lang na may pinag-aralan ka

Liking Lady Gaga’s songs won’t make you a demon. Same as listening to Hillsong’s music won’t make you a saint.
Whoever said this is genius (via mynewfoundmelody)

(Source: tomasinoi)

Theme Urban v3 by Max Davis